To Tatay Lester Lintao, Our Tatay na sobrang bait at sobrang galing mag turo. Hinding hindi ka iiwan hanggang dulo. tipong itataya niya buhay niya para makamit lang ang goal ng mga anak niya (students) Malaking tulong ang textams saamin lalo na sa mga retakers na tulad ko. Laking tulong ang mga daily quizzes para mahasa na utak mo sa pag sagot. Ang recorder lecture para mabalikan namin ang mga lectures na absent kami lalo saamin na mga working at conflict ang schedules. Dito lang ako naging masipag mag aral kasi nag tuturingan kaming parang magka pamilya, eni encourage kami ni tatay na wag mawalan ng hope. kung fail man subukan ulit. Buti na lang at nakilala ko ang textams. hindi siya kayang ikumpara sa ibang review center kasi dito pamilya na nagtutulungan. sa murang halaga makaka pag review ka na. naka review ka na nakatulong ka pa sa mga orphanage. Tay Lester, Masayang masaya po ako na naging parte ako ng textams ipagmamalaki ko na alagang Lintao ako! Salamat tay at nasama ako sa scholar ng take one laking tulong po talaga, Nung akoy nag eexam hindi ako nakaramdam ng kaba kasi sa isip ko kayang kaya ko ang exam. Anjan ka tay para e cheer kami nung nag eexam kami, Sa totoo lang first time ko pong naging masaya habang nag eexam. Lumabas akong naka ngiti at positive hindi ko alam kung bakit basta masaya ako at natapos ko ang laban. Pero ito ako ngayon! RN NA AKO! MARAMING MARAMING SALAMAT TEXTAMS FAMILY! SALAMAT PO TAY LESTER. Hindi ko kayo malilimutan. Sa nag babasa neto, RN KA NA!