Dive into insightful blog reflections, engaging video content, and real-life stories that inspire, educate, and connect. Tap into authentic nursing journeys and shared experiences.
Una sa lahat, gusto naming sabihin sa’yo: you are not a failure. Yes, bumagsak ka. Masakit, nakakahiya minsan, at parang gumuho ang mundo mo. Pero teka, huminga ka muna. Basahin mo ito, kasi baka ito na ang sign na kailangan mong marinig. 🌈
Dito sa tEXtAMS, maraming members ang may iba’t ibang kwento:
Hindi sila napigilan ng edad, karamdaman, o kahapon. Retakers sila. Pero ang mahalaga: pursigido.
💬 Hindi sukatan ng pagkatao ang board exam.
Hindi mo dapat i-base ang buong self-worth mo sa isang resulta ng exam.
Hindi ibig sabihin na kung bumagsak ka ngayon, ay hindi ka na magiging mabuting nurse. Marami sa pinaka-maaasahang nurses ngayon ay mga dating bumagsak. Pero alam mo ang pinagkaiba? Hindi sila sumuko.
😤 So what kung pangatlong take mo na? Pangwalo? Pangsampo?
Kapag pumasa ka na, you will write RN. Hindi RN3, RN8, o RN10. RN is RN.
Hindi tatanungin ng pasyente kung ilang beses ka bumagsak. Ang mahalaga: paano mo sila aalagaan ngayon. Ang license mo ay hindi nakasulat kung ilang beses ka nadapa, kundi kung paano ka tumindig. 💪
😢 Kaya ngayon, tama na ang lungkot. Saglit lang ‘yan. Umiiyak ka? Sige lang, pero huwag mong hayaan na doon ka lang. Tayo ka ulit. Review ka ulit. Balik mo ulit ‘yung fire mo. 🔥
Bumagsak ka man, pero hindi ka talunan.
🌟 Bumangon ka, future RN. 🌟
Kasi kapag oras mo na… wala nang makakapigil sa’yo.
